Hmmm. OUR STORY na lang pala. LOL
- Part I: Preschool - 2008
- Part II: Jan 2009 - Sept 2009
- Part III: Sept 2009 - Dec 2009
- Part IV: 2010
Hinati ko sa 4 parts. Mahaba kasi. Suggestion ‘to ni Abhie :) Gagawa sana ako sa mismong tumblr ko pero ayaw mag-appear nung page. So dito na lang ako gumawa. :)
Gusto ko lang ishare sa inyo. :D <3
Halos lahat ng tungkol sakin, alam nya. Kaya natutuwa ako kasi kahit alam nya yun, tanggap pa rin nya ko. Kung ano yung nababasa nyo sa posts ko, yun ang meron kami ng crush ko ngayon.
Gusto nya ko, gusto ko din sya. FRIENDS kami. GOOD FRIENDS, SWEET FRIENDS. :) Hindi nya ko nililigawan. Sweet lang talaga sya.
Kung anu man yung meron kaming dalawa ngayon, MASAYA AKO. Masaya akong nakakausap ko sya. Masaya ako kapag nagttxt sya. Masaya ako kapag kasama ko sya. Kung iisipin mo, magulo talaga kami. Kasi kung gusto talaga namin ang isa’t isa, at pareho kaming single, bakit hindi pa kami?
Hindi ko rin alam. Naniniwala ako na kung kami talaga ang para sa isa’t isa, may time para sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisisihan na mas pinili ko si Edward dati, kasi hindi kami magiging ganito ni crush ngayon kung hindi nangyari yun. Naniniwala din ako na may plano si God para sakin.
Pero kapag may babaeng umepal talaga samin ng crush ko, ILILIBING KO SYA SA LUPA NG BUHAY!!! I SWEAR!
Last week of September 2009. Tinawagan nya ko at inamin nya sakin na may girlfriend na sya. PARANG GUMUHO ANG MUNDO KO AT HINDI KO ALAM KUNG PAANO AKO MAGREREACT.
Napaiyak ako. Pinipigilan ko kasi ayaw kong marinig nya, nakakahiya. Pero hindi ko talaga mapigilan napapasinghot at hikbi ako. Tumahimik sya. Pero galit talaga ko nun. Inamin ko sa kanya lahat. Na gusto ko sya. Na kaya hindi ko sa kanya sinasabi dati na may boyfriend ako kasi hinihintay ko sya. Na akala ko kasi iba sya sa mga lalaking nakilala ko pero pare-pareho lang sila. Sinabi kong galit ako kasi pinaasa nya ko. Pinapatigil nya ko sa pagiyak pero sobrang naiiyak talaga ko. Nagsorry sya, pero sinabi kong walang magagawa yung sorry dahil sobrang nasaktan na ko. Oo, sinabi ko talaga sa kanya lahat ng yan, hindi na ko nahiya, hehehe.
After nyan, almost one month kaming walang communication. Narealize ko na ang selfish ko. MALI ako. May boyfriend ako nun, may karapatan din naman si crush na maging masaya. So naglet go ako.
Hindi naman sila nagtagal nung girl. Nalungkot ako para sa kanya, alam ko kasi na masaya sya eh, tapos sinaktan lang sya ung girl na yon. Kaya naisip ko na siguro kami talaga ni crush ang para sa isa’t isa. LOL :))))) Wag na kayong kumontra. Hahahaha.
Tinext nya ko last week of October 2009. Tinatanong nya kung galit pa ko. Syempre alangan namang pairalin ko pa yung pride ko, sinabi ko na lumipas na yung galit ko at napatawad ko na sya.
Maraming kamalasan ang nangyari sakin nung November at December 2009 pero andyan sya palagi para icomfort ako. Hanggang sa nung December 23, 2009 nalaman ko yung about sa pagtataksil sakin ni Edward so nagbreak na kami. At si crush ang una kong binalitaan!!! :)))))
January 1, 2009 tinawagan nya ko sa phone ko gamit ang landline nila para igreet ako ng Happy new year! Grabe!! Ang saya saya ko nyan!!! :D <3
February 2, 2009 pinuntahan nya ko sa school para ibigay yung letter nya sakin for our retreat. Unang meet namin yan. :)

Yan yung letter! <3 Sa post it lang. Sabi nya video daw talaga yung ginawa nya, pero nahiya syang ibigay. >.<
2 weeks after nagmeet kami ulit, kasama namin yung friends namin, tumambay lang sa bahay ng barkada ko. Hinatid pa nya ko sa paradahan pauwi :) At galit na galit ang boyfriend ko kasi hindi ko sinasagot tawag nya.
Madalas kami nagkakachat. Nagkakatxt. Mabait si crush, sya yung tipong too good to be true. Kahit na malaman nyang may crush ka sa kanya, hindi ka nya iiwasan. Nung magkachat kasi kami dati, tinanong nya kung sino daw naging crush ko nung HS, kaya sinabi kong naging crush ko sya.
Mas naging close kami. Pero may boyfriend pa rin ako nun, si Edward. Hindi alam ni crush yon. Inamin na rin nya sakin na may gusto sya sakin, alam din naman nya na gusto ko sya. Pero hindi nya ko magawang ligawan, hindi ko alam kung bakit. Torpe sya. Hanggang sa nahuli ako ni Edward na katxt si crush. Syempre nagalit sya, at tinext nya si crush. So inamin ko na sa kanya na may boyfriend na ko. May 2009 yata yan.
Nung nalaman nya, nagkakatxt at chat pa rin kami. Kahit tinxt na sya ni Edward, sige pa rin. LOL Nainis lang ako sa kanya kasi kung kelan nalaman nya na may boyfriend ako, saka nya sinabi sakin na gusto nya kong ligawan na, pero hindi pwede kasi nga may boyfriend na ko. Nagsisisi daw sya, ganun.. Eh nung time na yan mahal ko talaga si Edward. So pinili ko pa rin yung boyfriend ko.
Pero talagang minamalas ako, nalaman ni Edward na nagkakatxt pa rin kami. Itinext nya ulit si crush at minura-mura nya. Sobrang hiyang hiya ako non. Galit na galit sila sa isa’t isa nun at binantaan pa sya ni Edward. Hindi naman daw sya uurungan ni crush.
Malandi talaga ko, hindi pa rin kami tumigil sa pagttxt / chat / usap sa phone. Minsan kapag tumatawag si crush sa sun ko habang kausap ko si Edward, kinakausap ko talaga sya at sinasabi ko kay Edward na tatawagan ko na lang sya mamaya. Hahahaha! Sinasabi ko na kausap ko yung friend ko, may emergency lang. Pero nahuli nya ko kasi tinawagan nya yung friend ko at hindi naman nag-call wait. >.<
Ganyan talaga ang buhay, wala akong pakelam. Direcho pa rin kami ni crush. Hahahaha! Medyo nawawalan na ko ng gana kay Edward nung mga September 2009. Kami naman ng crush ko sige pa rin sa paguusap. Umasa ako na mahihintay nya ko. Kasi patuloy naman yung paguusap namin, wala naman syang sinasabing ayaw na nya sakin. Alam kong nakakausap nya ulit yung niligawan nya dati pero ang alam ko friends lang sila. Hanggang sa….
Magkabatch kami ng crush ko. We were schoolmates since preschool. Pero nakilala ko sya parang Grade 6 na yata kami. Sabi nya kilala na daw nya ko nung preschool pa lang kami, kasi magkalaban kami sa Art contest nun. Naiinggit pa nga daw sya sakin kasi marami akong watercolors / colored pencils that time. At umiyak pa sya sa nanay nya para ibili din sya non. :)))) Tanda ko magkalaban din kami nung Grade 6, sa likod sya nakaupo at kita ko sya habang nagddrawing :)
Naging crush ko sya nung First year HS. Yung kabarkada ko kasi, boyfriend nya yung kabarkada ni crush. So kapag magkasama sila, andun lang din kami malapit sa kanila. Bihira kami magkausap ni crush nun. Alam ng barkada nya na crush ko sya. Ang naaalala ko lang na nagkausap kami ay nung nanghiram sya sakin ng Goggles para sa Lab nila. Shit, ang cute ng smile nya nun! <3
Nagkaboyfriend ako nung HS, pero crush ko pa rin talaga sya.
Uso pa friendster dati. Kapag birthday ko, nagmemessage sya sakin at binabati nya ko. :) Since 2005 binabati na nya ko. Kaya excited ako lagi kapag magbibirthday ako! :D Minsan nagcocomment sya sakin sa FS, pero kamustahan lang.
Nung December 24, 2008, biglang nagtxt sakin yung barkada ko (na classmate ni crush nung HS). Tinext daw sya ni crush at tinatanong ang # ko! Shit. Nagpanic ako! At yun nga, nagtxt sakin si crush at binati nya ko ng Merry christmas! Dun na nagstart ang pagttxt namin. Pero bihira din kasi Smart sya, Globe ako. At may boyfriend ako nun. Hindi alam ni crush yon. Inilihim ko sa kanya kasi nga. Ewan.